64

Jun 13, 2021 @ 22:05

Execration nanggulat, kampeon sa MSC 2021

Kampeon sa Mobile Legends Southeast Asian Cup ang Execration matapos gulatin ang lahat at talunin ang kapwa Pinoy squad na Blacklist International sa isang best-of-seven series, 4-1, nitong Linggo.

Hindi biro ang dinaanan ng Execration sapagkat kailangan nilang lagpasan ang EVOS Legends ng Indonesia sa lower bracket finals ilang oras bago kalabanin ang Blacklist.

Bukod dito, pumasok sa finals ang Blacklist na wala man lang talo.

At natalo pa nga ang Execration sa game 1 ng finals bago walisin ang Blacklist, at sa game 5 ay tinapos nila ang laban sa loob ng 14 minuto at sa kill score na 29-13.

Matamis ang pagkapanalo ng Execration dahil bukod sa galing sila sa lower bracket ay Blacklist din ang tumalo sa kanila sa MPL-PH finals.

Iuuwi ng Execration ang tumataginting na $150,000 (P7.1 milyon) na premyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?