194

Dec 17, 2017 @ 14:24
By

Exclusive! Dyowa ni Jomari ligtas sa miscarriage

Stable na ang lagay ngayon nang ipinagbubuntis nang magiging baby ni Jomari Yllana sa kasintahang non-showbiz na si Joy Reyes.

Ilang linggo lang ang nakakaraan nang malagay sa peligro ang estado ni Joy dahil sa kakaibang nararamdaman nito.

Lumuluhang nag-shout si Joy sa kanyang Facebook account na humihingi ng dasal sa kanyang mga friends and supporters para ma-save ang baby nila ni Jomari.

Sa FB message ni Joy, ang nararamdaman niya nang mga sandaling yun ay naramdaman rin niya nang malaglag ang dapat sana’y first baby nila nang aktor.

Takot na takot si Joy sa naiisip na mangyayari sa kanyang ipinagbubuntis kaya naman nag-shout ito at humingi ng saklolong dasal sa kanyang mga kaibigan.

Isinugod si Joy sa ospital at agad na binigyan nang assistance upang mapakalma ito at maibsan ang nararamdamang takot para sa kanyang dinadala.

Nakausap namin sa FB messenger ang live-in-girlfriend na ito ni Jomari.

Text message sa amin ni Joy, “Naku Mars, Maraming salamt. Grabe yung 1st trimester ko. Excruciating talaga. Now its getting less symptomatic so I am feeling better. Just few weeks ago, the discomfort and pain were so unimaginable. I was crying all the time..”

Ngayon, bed-rest muna ang kasintahan ni Jomari. Kinakailangan lang niyang tumayo at maglakad kapag pupunta ito nang banyo.

Ipinagbawal kay Joy na maglakad nang malayo o kaya ay ma-stress parang masigurado ang stability sa pagkakapit ng buhay sa kanyang sinapupunan.

Nahihirapan man sa kanyang kundisyon si Joy, panatag na ang kanyang kalooban dahil ayon sa kanya mas okey na ang pakiramdam nya ngayon sa kanyang baby.

Lalong minahal ni Joy si Jomari dahil nong mga panahong nagpa-panic sya niyayakap siya nang actor-politician.

Sabi nga ni Joy, laging nasa tabi nya si Jomari para lang iparamdam na wala itong dapat ikabahala.

“Jom was trying to console me pag ganun. Yayakapin na lang nya ako kasi wala naman puwedeng gawin kundi endure lang. Now I feel stronger although I can’t go walking for extended period. Konti konting lakad leng then back to bed, hehehehe.”

Sa tuluy-tuloy na dasal ng mga kaibigan ni Joy asahang matutupad ang pangarap nitong magkaroon sila nang supling ni Jomari.

Bed-rest man si Joy excited na ito sa magiging Pasko nila ni Jomari kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?