25

Jul 22, 2021 @ 20:41
By

Exclusive bus para sa mga bakunado iminungkahi

Iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pagtatalaga ng mga bus para lamang sa mga bakunadong indibidwal.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Concepcion na ito ay para tumaas ang kumpiyansa ng mga mananakay sa kanilang pagbiyahe.

“We have to realize that a fully vaccinated public vehicle steers a higher level of confidence, and it must be given to the public,” wika ni Concepcion.

Aniya, kung gagawin ito ay magkakaroon ng ‘micro-herd immunity’ lalo na sa mga opisina.

Bago ito ay naunang iminungkahi ni Concepcion ang full operational capacity sa mga opisina kung nabakunahan na kontra COVID ang nasa 80% ng mga empleyado nito.

Ngunit batay sa huling tala ng Health Department, nasa 5.2 milyon pa lamang ang nakakakumpleto ng bakuna kontra sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?