petrolyo1
By

Excise tax, sususpendihin kapag sumirit ang produktong petrolyo

Sharing is caring!

Handang tanggalin muna ng gobyerno ang buwis sa langis kapag pumalo sa $80 per barrel ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Inihayag ito ng Malacañang kasunod ng panibagong oil price hike na inilarga ng mga kumpanya ng langis.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, handa ang gobyerno na suspendihin ang buwis sa langis kung masyado nang mataas ang presyo nito sa world market.

Mayroon aniyang nakahandang contingency plan ang gobyerno para maalalayan ang publiko dahil sa ipinatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sinabi ni Roque na mayroong P200 na subsidiya para sa transport groups na direktang maaapektuhan ng oil increase.

“Ang alam ko po excise taxes will be suspended if they reach a certain amount, if I’m not mistaken 80,” sabi ni Roque.

Aniya, handa naman umano ang gobyerno sakaling umabot sa ganoon kataas ay sususpendihin umano ang koleksiyon ng excise tax sa produkto ng langis.

Bukod pa umano rito ay nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Finance at sa Department of Budget and Management sa mga benepisyo para maibsan ang epekto ng TRAIN Law.

Sa kasalukuyan ay nasa $72 ang presyo ng gasolina bawat bariles sa pandaigdigang pamilihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?