Excise tax sa petrolyo suspendihin, 12% VAT ibaba – Hontiveros

0

Sharing is caring!

Iginiit ni Senadora Risa Hontiveros sa Malacañang na ipasuspinde ang pagpapataw ng mataas na excise tax sa petrolyo ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo nito.

Idiniin na masyado nang nahihirapan ang publiko sa mataas na presyo ng bilihin at petrolyo.

“Aking sinusuportahan ang panawagan na suspendihin ang fuel excise tax, partikular sa diesel, kerosene at bunker fuel. Kailangan bigyan natin ng sapat na espasyo ang mamamayan na makahinga at makapagpahinga sa bigat ng dagdag na pasaning ito,” ani Hontiveros sa isang privilege speech.

Dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, pinatawan na ng P2.50 ang excise tax sa bawat litro ng diesel at bunker fuel. Tataas pa ito ng P4.50 sa 2019 at magiging P6 sa 2020.

Bunsod din ng TRAIN law, ang dating P4.35 na excise tax sa gasolina ay tumaas ngayong taon sa P7 kada litro. Magiging P9 sa 2019 at P10 sa 2020.

Sa kaniya ring talumpati, nanawagan si Hontiveros sa pagpapatibay ng inakda niyang Senate Bill 1671 o Bawas VAT bill kung saan layong ibaba sa P10 porsiyento ang kasalukuyang P12% VAT.

Ito ay para mapagaan ang pinapasan ngayon ng publiko na mataas na buwis at presyo ng bilihin na dahil sa TRAIN Law. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.

5 × one =