10

By

Excise tax sa langis huwag ituloy! – solon

Sharing is caring!

Umapela ang chairman ng House Committee on Ways and Means sa economic managers ng administrasyong Duterte na irekunsidera ang rekumendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang implementasyon ng second tranche ng fuel excise tax sa produktong petrolyo sa susunod na taon.

Ginawa ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing ang pahayag sa gitna ng deliberasyon ng komite sa mga panukalang nananawagan para sa agarang suspensiyon ng excise taxes sa langis.

Hinimok ni Suansing ang economic team na ipaintindi sa Presidente na marami ang nakikiusap para suspendihin ang excise tax.

Dapat anyang ipaliwanag sa Pangulo na mabigat ang impact ng buwis sa consumer.

Sa ilalim ng TRAIN Law, magkakaroon ng dagdag na P2 sa excise tax sa kada litro ng diesel at gasolina simula sa Enero 2019.

Ibig sabihin, magiging P4.50 ang kabuuang excise tax sa diesel habang P9 naman sa gasolina.

Sa Kamara ay merong isang panukala at anim na resolusyong naihain na nananawagang suspendihin ang excise tax sa produktong petrolyo.

“We will priotize it (the passage of the bill) at the committee,” ani Suansing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }