50

May 4, 2019 @ 13:59
By

‘Excellent’ satisfaction rating ni Digong, malakas na sampal sa mga kritiko – Palasyo

Masaya umano ang Malacañang na nakikita ng taumbayan ang pagsisikap ng gobyerno na masugpo ang kahirapan matapos makakuha ng mataas na rating ang administrasyong Duterte sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa ng March 28-31, 2019 sa may 1,440 adults nationwide, nakapagtala ng “excellent” na satisfaction rating ang administrasyong Duterte.

Ang nai-record umanong rating na +72 sa first quarter ng taon ay anim na puntos na mas mataas kumpara sa +66 satisfaction rating noong Disyembre 2018.

Ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malakas na sampal sa oposisyon at mga kritiko ang bagong resulta ng survey.

“Our countrymen’s towering satisfaction in favor of our hardships and attainments is a hard slap on the face of the opposition and our detractors, who, from day one, never gave the leadership of President Duterte a chance to show them his competence in administering the nation’s affairs,” saad ni Panelo.

Pinayuhan naman ni Panelo ang oposisyon na tumigil na sa pagpapalabas ng mga negatibong pwersa laban sa gobyerno sa halip ay tumulong na lang sa nation building.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?