98
PNPA cadet nakareserba para maging ‘board of election inspectors’ sa eleksyon
Nov 9, 2019 @ 14:11
By

Exam para maging pulis, sisimulan na

Sa Linggo, Nobyembre 10, gaganapin ang Philippine National Police Academy (PNPA) Cadet Admission Test na kung saan mahigit sa 22,000 aplikante ang magsusulit na nagnanais na maging pulis. Ayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) may kabuuang 22,573 aplikante sa buong bansa ang nakatakdang sumailalim sa examination sa 21 testing centers sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.

Sa naturang bilang, nasa 350 lamang ang kukunin para maging kadete at maging bagong opisyal ng PNP sa oras na makapagtapos sa programa.

Sa report ng NCRPO, mas mataas ang bilang ng aplikante ngayong 2019 kumpara sa 14,000 aplikante noong 2018 kung saan nasa 300 lamang ang kinuha ng PNPA.

Nabatid na ang makakapasa at magiging kadete ay magiging iskolar ng pamahalaan at makakatanggap ng P28,000 buwanang allowance na katumbas ng sahod ng isang Police Master Sergeant.

Sa Metro Manila, gaganapin ang PNPA-CAT sa Ramon Magsaysay High School sa Quezon City na may 1,200 aplikante, Ramon Magsaysay High School sa Maynila na may 1,000 aplikante at Fort Bonifacio High School na may 647 aplikante.

Maaari pa rin naman umanong tumanggap ng walk-in applicants sa mga testing centers kung papasa sa kanilang pamantayan kabilang ang taas na 5’4″ sa lalaki at 5 talampakan sa babae, nasa maayos ang pisikal at mental na kalusugan, at isang Pilipino.

Ang mga valedictorian at salutatorian naman sa high school at ang may pinakamataas na karangalan sa Senior High ay awtomatikong pasado na sa eksaminasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?