32

Mar 10, 2020 @ 17:40
By

Exam ng Ateneo SHS, kinansela na

Kinansela ng Ateneo de Manila University ang final exams sa senior high school na naka-schedule sana para sa March 12 to 13 at ibabase na ang grado ng mga estudyante sa kanilang class standing.

Ang mga estudyante naman na nanganganib bumagsak ay bibigyan ng assessment at aabisuhan ng lang ng paaralan tungkol sa mga susunod na hakbang na gagawin.

Inanunsiyo ito ng Ateneo bilang pagtugon sa suspensiyon ng klase na inanunisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte mula March 10 hanggang March 14.

Sabi ng Ateneo, sinuspende nito ang klase hanggang March 18 bilang bahagi ng dry run nito para sa mga health emergency.

“This means that there will no longer be classes in the SHS,” sabi ng Ateneo.

Nanawagan na lamang ito sa mga graduating student na may mga babayaran pa at may sanctions na makipag-coordinate na lamang sa paaralan.

“We have seen how this virus not only threatens our health but also sows mistrust, created division and promotes insecurity. We will not allow that,” sabi ni Ma. Victoria Panlilio-Dimalanta, principal ng Ateneo Senior High School sa memo na pinirmahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?