754

Nov 28, 2021 @ 17:09
By

Ex-writer ng ABS-CBN pinatulan ni Marcoleta

Ipinakita lamang umano ng dating screenwriter ng ABS-CBN ang kanyang kamangmangan sa realidad ng industriya ng broadcast sa komento nito sa paglabas ng political ad ni House Deputy Speaker at SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta sa Kapamilya Channel.

Ayon kay Marcoleta, normal lamang na kumuha ng ad agency ang isang kumakandidato sa national position para makilala ng tao.

“I neither control nor supervise the works of our ad agency because they know their job well. I don’t decide on which networks to approach to for the propagation of our political advocacies,” sabi ni Marcoleta.

Pinuna ni Kapamilya writer Jerry Gracio si Marcoleta ng lumabas ang ad nito sa Kapamilya Channel. Si Marcoleta ay isa sa mga bumoto laban sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

“Ipinasara nila ang network, pero nasa Kapamilya Channel. Kapamilya, huwag ninyong iboboto ang mga politiko na makakapal ang mukha,” post ni Gracio sa Twitter.

Sinabi ni Marcoleta na walang kinalaman ang kanyang posisyon sa renewal ng prangkisa sa ABS-CBN sa paglalagay nito ng ad. Ginawa lamang umano nito ang kanyang trabaho bilang kinatawan ng Kongreso.

“I suppose ABS-CBN accepted our pol ad as a legitimate expression of our stand on burning issues or platform of government,” dagdag pa ni Marcoleta. “The acceptance of the pol ad has nothing to do with its closure.”

Ipinunto rin ni Marcoleta na may karapatan ang ABS-CBN na hindi tanggapin ang ad.

“I could only surmise that the acceptance of our pol ad is an indication of its legitimacy or a measure of the network’s openness to reform given its perceived partiality that has characterized its usual programming,” sabi pa ng solon.

Ayon kay Marcoleta, maaaring hindi nakita o hindi talaga pinansin ng “displaced writer” ang mga detalyeng ito.

“Placing an ad by our agency in said network is a judgment call on its part over which I have no control or discretion….. the acceptance of our pol ad by the network is a unilateral decision it has to make, rightly or wrongly, regardless of what others may think of it—the disgruntled writer included,” giit pa ni Marcoleta na tumatakbo sa pagkasenador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?