17

Sep 10, 2020 @ 16:47

Ex-vice mayor sa Negros Oriental town pinaslang

SDC

Binaril sa labas mismo ng kanyang bahay ang dating vice mayor ng Pamplona, Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Kent Divinagracia, 45 anyos. Siya’y nagsilbi bilang vice mayor at konsehal ng nasabing bayan.

Ayon sa mga saksi, Setyembre 9 ng gabi ay pababa na ng kanyang sasakyan ang biktima nang lapitan siya ng mga nakamotor na suspek at pagbabarilin nang tatlong beses, kabilang ang isa sa ulo.

Sinugod si Divinagracia sa Siliman University Medical Center sa Dumaguete ngunit dineklarang dead on arrival.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?