66

Mar 26, 2020 @ 14:26
By

ex-UST coach Aric del Rosario, pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang dating basketball coach ng UST na si Aric del Rosario nitong Huwebes dahil sa cardiac arrest.

Sa report ng Spin.ph, kinumpirma ito ng kapwa coach na si Ato Badolato.

Dinala umano si del Rosari sa ospital dahil sa ubo at hirap sa paghinga, kaya naman tiniest para sa COVID-19 ngunit nasawi ng hindi pa nalalaman ang resulta.

Si Del Rosario ay dating naging manlalaro ng UST noong 60s, ngunit mas tumatak ng sungkitin ang four-peat para sa UAAP men’s basketball mula 1993 hanggang 1996 para sa Growling Tigers.

Nagsilbi rin ito bilang assistant coach ni Tim Cone sa Alaska kung saan nagwagi naman siya ng grand slam sa PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?