30
george-bush

Ex-US President George H.W. Bush, nakalabas na ng ospital

Sharing is caring!

Naospital ng halos dalawang linggo si dating US President George H.W. Bush, 93, dahil sa impeksiyon na kumalat sa kanyang dugo.

Pero nitong Biyernes ay na- discharged na sa Houston Methodist Hospital si Bush.

Na-admit si Bush sa ospital, isang araw matapos dumalo sa libing ng asawa niyang si dating first lady Barbara na namatay noong Abril 17.

Dinala na rin sa kaparehong ospital si Bush noong nakaraang taon dahil sa ubo na na-diagnose kinalaunan na mild case ng pneumonia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?