25
kulong
By

Ex-US Navy, Aussie arestado sa droga

Sharing is caring!

Isang retiradong American navy at kliyente nitong Australyano ang dinakip noong Sabado sa Barangay Malabanias, Angeles City dahil sa shabu at marijuana.

Dinakip si Gary Timothy Lamb, 56, dating US Navy, sa apartment nito sa No. 357 Pinatubo St., Clark View Subdivision.

Inaresto rin ng mga awtoridad si Wayne Michael Walsh, 58, at isang Pinay na nakilalang si Mary Jane Mina, 30, na nasa apartment ni Lamb nang magbenta ang huli ng iligal na droga sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa buy-bust ang anim na sachets ng hinihinalang shabu at tatlong medium-sized na sachets ng pinatuyong marijuana. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?