52

By

Ex-US army nagwala, hinarang sa NAIA

Sharing is caring!

Pinabalik na lang sa San Francisco, California ang isang dating US Army serviceman matapos magwala sa NAIA Terminal 1 kahapon ng umaga.

Nabatid na pagbaba ni Mario Guerrero, 54, ng PAL Flight PR 105 ay napansin na kinakausap nito ang kanyang sarili.

Habang nakapila naman sa Immigration Counter ay bigla na lang itong nagwala at pinagmumura ang mga airport personnel, bago naghamon ng away.

Inawat na lang si Guerrero ng mga tauhan ng Airport Police at pinaghinalaan na dumaranas ito ng war shock syndrome.

Bunga nito, hindi na pinayagan pa na makapasok ng bansa si Guerrero at pinabalik na lang ito ng US.

Naimpormahan na ang US Embassy sa pangyayari. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?