16
manny-pacquiao
By

Ex-trainer ni Tyson, Holyfield bilib pa kay Pacquiao

Sharing is caring!

Bagama’t talo sa kanyang huling laban at umeedad na nang husto, isang beteranong boxing trainer ang patuloy na bilib sa kakayahan ni eight-division champion Manny Pacquiao.

Tingin ni Ronnie Shields, 59, manginggibabaw ang eksperyensa at lakas ni Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) sa July 15 bout niya kontra Argentinian WBA welterweight champ Lucas Matthysse (39-4, 36 KOs) sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“I like the fight, I think Manny Pacquiao has a lot to prove to himself as to whether he should continue to fight or not. Matthysse did not look to good to me in his last fight, he was looking like he was having a lot of problems and because of that, a lot of people are gonna pick Manny Pacquiao to win, although Pacquiao didn’t look so good in his last fight either,” litanya ni Shields, na nahawakan na sa training camp ang mga legendary boxer na sina Mike Tyson at Evander Holyfield.

Talo noong Hulyo 2017 sa Brisbane, Australia si Pacquiao kay Jeff Horn at naagaw nito ang kanyang WBO 147-pound belt. Sa kabila nito, sampalataya pa rin si Shields sa angas ng fighting senator.

“I think because of the names and only because of the names this is a very interesting fight. It’s for an interim world title, which doesn’t really mean a whole lot. But to people in Malaysia it means a whole lot, that they are fighting for the interim world championship,” sabi ni Shields.

Giit ni Shields, nagwagi man si Matthysse kay Tewa Kiram nitong Enero 2018 sa bisa ng 8th round KO ay kita namang nahirapan ito sa laban. Ganito rin aniya ang kakaharapin niya kontra Pacquiao. “I really like Pacquiao in the fight because I just think he’s smarter and the guy is always in shape. I think because Matthysse had so many problems with the last guy he fought you have to favor Manny Pacquiao,” panapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?