64
sandigan-tesda
Feb 2, 2018 @ 17:13
By

Ex-TESDA director, asawa kulong sa graft

Hinatulan na sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan ang dating regional director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at misis nito kaugnay ng accreditation ng competency assessment center noong 2010.

Hinatulan ng anti-graft court 1st Division na makulong ng anim hanggang 10 taon sina TESDA Director for Aklan Edwin Villanueva at asawang si Nida. Bawal na rin ang mga ito na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Nadiskubre na noong 2010 ay tumayo si Nida bilang in-house competency assessor ng TESDA at bilang miyembro ng Board of Directors ng Rayborn-Agzam Center (RACE), isang pribadong competency assessment center.

Binigyan ni Edwin ng accreditation ang RACE habang ang misis nito ay nagsisilbi bilang assessor for food and beverages ng TESDA at naniningil ng P250 sa bawat kandidatong dumadaan sa assessment.

Depensa ni Edwin, hindi umano niya alam na nagtatrabaho ang kanyang misis sa RACE nang humingi ito ng TESDA endorsement, bagay na hindi pinaniwalaan ng korte.

“In as much as we presume regularity in the performance of the duties of the Provincial Director, the only conclusion that can be drawn is that Edwin is familiar with the incorporation documents of RACE and was therefore, already aware of his wife’s involvement with RACE, when he gave his endorsement,” saad sa desisyon ng Sandiganbayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?