sandiganbayan
By

Ex-Sulu Gov. Tan, hinatulan sa ‘di pag-file ng SALNs

Sharing is caring!

Pinatawan na ng parusa ng Sandiganbayan si dating Sulu governor Abdusakur Tan matapos nitong aminin ang hindi pagsusumite ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net worth (SALNs) mula 2007 hanggang 2011.

Naghain ng guilty plea si Tan sa isinagawang arraignment sa Sandiganbayan Sixth Division para sa limang bilang ng paglabag nito sa Section 8 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Inutusan din ng Sandiganbayan si Tan na magbayad ng multang P25,000.

Ang anak naman ni Tan na si Maimbung Mayor Samier Tan ay nahaharap rin sa parehong kaso dahil sa hindi paghahain ng SALN para sa mga taong 2010 at 2011.

Itinakda ng anti-graft court Third Division ang pagbasa ng sakdal sa alkalde sa Mayo 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?