14
la-vina

Ex-SSS exec La Viña, nanumpa na bilang Tourism Usec

Sharing is caring!

Pinangunahan ni Tourism Secretary Wanda Teo sa opisina ng Department of Tourism (DOT) ang panunumpa ni dating Social Security System (SSS) commissioner Jose Gabriel “Pompee” La Viña bilang undersecretary ng DOT.

Itinalaga si La Viña ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 24 kapalit ni tourism undersecretary Rolando Cañizal.

Nabalot noon ng iba’t ibang kontrobersiya si La Viña sa SSS kabilang na ang hirit nito na P26 milyong pondo para sa social media project at P1.6 milyong buwanang alokasyon para sa media advertising program na parehong na-deny.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?