50

Nov 28, 2021 @ 16:12
By

Ex-sparmate ni Pacquiao world champion na

Proud si retired boxer at Senador Manny Pacquiao sa narating na kanyang dating sparring partner na si George Kambosos Jr., matapos nitong daigin si Teofimo Lopez ngayong Linggo upang maging world lightweight champion.

Inilista ni Kambosos – na tubong Australia – ang 115-111, 113-114, 115-112, na split decision win upang maagaw ang WBA, IBO, at WBO world lightweight title ni Lopez.

Si Kambosos din ang unang nagbigay ng talo kay Lopez.

Kaya naman, bilib si Pacquiao sa narating ng dating niyang sparring partner.

“Congratulations to my friend [George Kambosos] on an epic win!,” saad ni Pacquiao sa kanyang tweet. “You helped me in so many of my past fights, I hope our hundreds of rounds of sparring helped you in some way tonight. I’m proud of you.”

Naging sparring mate ni Pacquiao si Kambosos sa kanyang mga laban kina Jeff Horn, Lucas Matthysse at Adrien Broner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?