29
Ex-South Korean president hinatulang makulong ng 17 taon
Feb 20, 2020 @ 14:22
By

Ex-South Korean president hinatulang makulong ng 17 taon

Binitbit na sa kulungan si dating South Korean President Lee Myung-bak para simulang bunuin ang 17 taong pagkakakulong na sentensiya sa kanya matapos matalo sa apela sa kaso niyang bribery at embezzlement.

Hinatulan siyang makulong ng 17 taon ng isang South Korean appellate court dahil sa korapsyon partikular na ang paghingi ng suhol at embezzlement o fraud.

Maliban sa sentensiyang pagkakulong, pinagmulta rin si Lee ng 13 billion won o mahigit P550 milyon.

Nakulong na si Lee noong 2018 nang hatulan ng 15 taon na pagkakakulong pero pinayagan siyang makapagpiyansa.

Guilty ang naging hatol sa kanya sa paghingi ng suhol mula sa kumpanyang Samsung para mabigyan ng presidential pardon ang chairman ng kumpanya na si Lee Kun-hee na nakulong dahil sa tax evasion.

Nanilbihan bilang presidente si Lee mula 2008 hanggang 2013, ayon sa Jakarta Post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?