14

By

Ex-SolGen Hilbay tatakbong senador

Sharing is caring!

Inihayag ni dating Solicito General Florin Hilbay na tatakbo siya sa pagka-senador.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi ni Hilbay na kakandidato siya para magsilbi at para ipagtanggol ang demokrasya.

“Tayo po ay tatakbo para sa Senado bilang tugon sa hamon na pagsilbihan ang taumbayan at ipagpatuloy ang pagtanggol sa ating demokrasya,” sabi ni Hilbay.

“Simple lang: ANG TAMA, NILALABAN. Ang prinsipyong ito ang pinakamatatag na pundasyon para protektahan & itaguyod ang kapakanan ng sambayanan,” dagdag nito.

Si Hilbay ay kritiko ng Duterte administration.

Isa ito sa mga abogado ni Senador Antonio Trillanes IV sa binubuhay na mga kasong kudeta at rebelyon laban dito.

Nagsilbi siyang solicitor general noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Ninoy” Aquino III at siya ang humarap sa International Arbitral Tribunal na duminig sa reklamo ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng West Philippine Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?