50

Dec 11, 2017 @ 13:16

Ex-SolGen Hilbay: Martial law extension walang legal na basehan

Wala diumanong “legal justification” ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapalawig ng martial law ng isa pang taon sa Mindanao.

Ayon kay dating solicitor general Florin Hilbay, ito ay dahil sa nakontrol na naman umano ng gobyerno ang mga terorista sa Marawi City.

Paliwanag ni Hilbay, walang tinatawag na na “preventive martial law” dahil pinapayagan lamang sa 1987 Constitution ang martial rule kung talagang may aktuwal na pagsakop o rebelyon sa isang lugar.

Noong Mayo 23, inilagay ni Duterte ang buong Mindanao sa ilalim ng martial law matapos pasukin ng Maute group ang Marawi.

Magtatapos dapat ito ng 60 araw subalit inaprubahan ng Kongresos ang huling ni Duterte na palawigin ito hanggang Disyembre 31.

Idineklarang terrorist free ang Marawi noong Oktubre matapos mapatay ang mga lider nilanng sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Subalit ayon kay Duterte, kailangan pang i-extend ang martial law ng isa pang taon dahil sa banta pa rin ng terorismo sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?