92
ABANTE arestado retired police arrested jail crime
Jan 25, 2018 @ 11:33
By

Ex-SK chairman, arestado sa shabu sa Oriental Mindoro

Arestado sa isang buy-bust operation ng Pinamalayan Municipal Police Station (MPS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-MIMAROPA sa Pinamalayan, Oriental Mindoro ang isang dating SK chairman ng isa sa mga barangay sa lugar at kasama nito.

Kinilala ni Police Chief Insp. Alvimar Flores ang mga suspek na sina dating SK chairman ng Brgy. Pagalagala na si Gil Zeus J. Mendoza, 23, at si Aldrin M. Napolitano, 35, isang tricycle driver.

Ayon sa pulisya, bandang alas-singko ng hapon nitong Biyernes nang magkasa sila ng operasyon laban sa dalawa.

Inaresto ang dalawa matapos mabilhan diumano si Napolitano ng isang sachet ng shabu ng isang pulis na nagpanggap na buyer.

Samantala, nakuhaan naman ng dalawang sachet ng shabu si Mendoza nang kapkapan ng pulisya.

Nakakulong na ang dalawa at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Paul Jaysent Fos)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?