42

May 20, 2020 @ 12:57
By

Ex-senator Jinggoy Estrada, nagpaliwanag na sa NBI para sa pag-violate ng social distancing sa bangus distribution

Nagtungo na at nagpaliwanag na si former senator Jinggoy Estrada sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkoles para sa pag-violate umano nito ng social distancing nang magbahagi ito ng isda sa Barangay Salapan sa San Juan City nitong Mayo.

Ayon kay Estrada, hindi umano nito intensyon na lumabag sa quarantine at social distancing protocols at iginiit na nakasuot ito ng personal protective equipment suit at face shield habang nagdidistribute ng isdang bangus.

Paliwanag pa ni Estrada, na-inaresto at nakalaya rin dahil sa violation, sa NBI na sobra sobra ang natanggap nitong bangus mula sa Zambales kaya nito ipinamigay.

Sulat nito, “My question is, shall I watch these milkfish spoil and not consume and watch my constituents starve and suffer for not having one or shall I give it to them to at least ease their hunger for a meal?”

“Anyone in my situation that time would agree that the latter option is best to be chosen. That was what I did,” dagdag pa ni Estrada.

Aniya, intensyon nito na makatulong sa mga mahihirap lalo na ngayong may krisis dulot ng coronavirus pandemic.

“And I do not think that helping feed the starving and poor is a violation of law. If helping the poor and the needy, as what I did, is wrong, I do not know what right is,” saad ni Estrada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?