74

May 15, 2018 @ 13:03
By

Ex-Senate President Ed Angara bibigyan ng tribute sa Senado

Naka-half mast ang watawat ng Pilipinas sa harap ng gusali ng Senado, tanda ng pagluluksa sa pagpanaw ni dating Senate President Edgardo J. Angara.

Itinakda naman ng Senado ang necrological service para kay Angara bukas, Miyerkules, alas-10 ng umaga.

Ayon sa tanggapan ni Senador Sonny Angara, anak ng yumaong senate president, nagbigay ng kumpirmasyon na dadalo at magbibigay ng tribute sina Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo at Manila Mayor Joseph Estrada, kapwa naging pangulo at kapwa nakasabay ni Angara bilang senador.

Bukod kina Arroyo at Estrada, darating din para magpugay kay Angara ang nakasabayan din sa Senado na si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Nakahanay din para maghayag ng pagkilala sa mga kontribusyon I Angara sa lipunan sina Senate minority leader Franklin Drilon, Senate majority leader Tito Sotto, Senators Loren Legarda, Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, Ralph Recto, Richard Gordon at Congresswoman Pia Cayetano.

Si Angara, 83, ay pumanaw nitong nakaraang araw ng Linggo sa kaniyang hacienda sa Nasugbu, Batangas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?