22
ed-angara
By

Ex-Sen. Edgardo Angara nailibing na

Sharing is caring!

Naihatid na sa huling hantungan si dating Senador Edgardo Angara.

Inilibing ang dating senador kaninang umaga sa loob ng compound ng kanilang tahanan sa Brgy. Reserva sa Baler, Aurora.

Nakipaglibing ang mga kaibigan at nakasabayan niya sa Senado na sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Richard Gordon gayundin si Senador JV Ejercito na kaibigan naman ni Senador Sonny Angara, anak ng yumaong dating senador.

Si Angara ay pumanaw noong Mayo 13 sa edad na 83.

Ipinagmalaki ni Senador Sonny ang ama na markado ang mga nagawang batas na kinabibilangan ng Free High School Act, Senior Citizen’s Act at mga batas na lumikha sa Technical Education and Skills Development Authority at Commission on Higher Education.

Nangako ang batang Angara na ipagpapatuloy niya ang legacy ng ama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?