office-of-the-ombudsman
By

Ex-SAF chief, 3 iba pa sinibak kaugnay ng subsistence allowance

Sharing is caring!

Sinibak na sa kanilang mga puwesto ang mga pulis na sangkot sa kontrobersiyal na subsistence allowance na hindi umano naibigay sa mga tauhan ng PNP Special Action Force (SAF).

Kaugnay ito sa kasong isinampa sa Office of the Ombudsman ng ilang miyembro ng SAF laban sa dati nilang pinuno na si Police Director Benjamin Lusad na ngayon ay pinuno ng PNP Directorate for Integrated Police Operations sa Southern Luzon.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. John Bulalacao, isinagawa ang pagsibak upang bigyang-daan ang ginagawang pagsisiyasat ng Ombudsman.

Bukod kay Lusad, sinibak din sa puwesto sina dating PNP-SAF budget and fiscal officer Andre Dizon, SPO2 Maila Bustamante at SPO1 Jack James Irica.

Kasong pandarambong ang isinampa sa mga ito dahil sa umano’y hindi naibigay na halos P59 milyon na subsistence allowance noong 2016 at 2017.

Tiniyak ni Bulalacao na tutulong ang Philippine National Police sa imbestigasyon ng Ombudsman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?