226
Ex-Rockets forward Terrence Jones palalakasin ang KaTropa!
May 5, 2019 @ 13:50
By

Ex-Rockets forward Terrence Jones palalakasin ang KaTropa!

Naghahanda na nga ang TNT KaTropa para sa susunod na conference, at kanilang kukunin si ex-Houston Rockets forward Terrence Jones.

Si 6-foot-9 Terrence Jones ang una sa listahan ni TNT consultant Mark Dickel na maging bagong KaTropa sa darating na 2019 PBA Commissioner’s Cup. Kinumpirma ngayong Linggo ni TNT head coach Bong Ravena ang pagkuha kay Jones.

Si Jones ay 18th overall pick ng Rockets noong 2012 NBA Draft at nakasama niya si James Harden sa Rockets ng 4 na season at tumulong nga ito makatuntong sa playoffs ng tatlong sunod-sunod na taon.

Siya ay nag-a-average ng 10.3 points, 5.7 rebounds at 1.2 blocks para sa Rockets bago ito mapunta sa New Orleans Pelicans noong 2016.

Si Jones ay naglaro para sa Qingdao Eagles sa CBL o Chinese Basketball League at naglaro sa iba-ibang teams sa NBA G-League.

Nakabalik pa ito sa Rockets ngayong 73rd NBA season at dalawang beses pumirma ng 10-day contract ngunit hindi na ito na-renew dahilan upang maging libre siya para sa KaTropa na maging import sa Commissioner’s Cup.

Si Jeremy Tyler at Joshua Smith ang import ng KaTropa noong nakaraang Commissioner’s at umabot lamang ito sa quarterfinals matapos ilaglag ng San Miguel Beermen. 2017 pa nang huling makarating ng Finals ang KaTropa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?