605
ABANTE buboy tanigue rip

Ex-Purefoods point guard Tanigue, pumanaw na

Namatay na ang dating Purefoods point guard star na si Ulysses “Buboy” Tanigue sa edad na 43 matapos ang walong taong pakikipaglaban sa leukemia.

Nagsimula ang career ni Tanigue sa basketball nang maglaro sa San Sebastian Stags at na-draft ng Purefoods.

Tatlong beses naging Most Valuable Player Stags si Tanigue. Naglaro din siya sa Chowking team sa Philippine Basketball League.

Matapos tumigil sa paglalaro, nagtrabaho si Tanigue bilang sports coordinator ng Mlang, North Cotabato. Taong 2010 nang madiskubreng mayroon siyang chronic leukemia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?