103
arestado
Jun 20, 2018 @ 3:36
By

Ex-pulis, 6 pa, dinampot sa gitna pot session sa Caloocan

Isang dating pulis at anim na iba ang nasakote ng mga miyembro ng Caloocan City Police habang nasa kalagitnaan ng pot session.

Kinilala ang dating pulis na si Joel Pobera, dating nakatalaga sa Pampanga Provincial Police Office.

Si Pobera at anim nitong kasamahan ay naaresto matapos na isumbong ng isang concerned citizen ang pagbatak ng droga mga ito sa isang bahay sa Block 7, Lot 27 Avocado St., Christina Homes sa Barangay 177.

Ayon kay Chief Supt. Gregorio Lim, hepe ng Northern Police District, pinapuntahan niya sa kanyang mga pulis ang lugar at nasilip sa bukas na pinto ang pot session ng grupo na kinabibilangan ng isang babae.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 4 na plastic sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at 2 dalawang bala.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?