34
Ex-President, treasurer kinasuhan ng PSL dahil sa korapsiyon
By

Ex-President, treasurer kinasuhan ng PSL dahil sa korapsiyon

Nag-file na ang Philippine Superliga (PSL) sa Taguig prosecutor’s office ng criminal complaint laban kay dating PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara at dating treasurer at finance director Donaldo Jose Caringal sa kasong pagnanakaw sa mahigit P6.7 million corporate funds.

Tinangay umano ng dalawa ang milyong-milyong halaga ng corporate funds na walang PSL authorization.

Sa inilabas na 11-page complaint na isinampa ni PSL president Adrian Paolo Laurel na isinaayos ng DOJ, sinabi nitong “Since both respondents … withdrew directly from the account of the corporation without any valid authority, each of them abused [their] relationship with the [PSL].”

“They abused the high degree of confidence given to them through their positions in the corporation. Hence, the taking of the cash of the corporation was done with grave abuse of confidence,” dagdag pa dito.

Ayon pa sa reklamo, naglabas ng kabuuang 11 tseke na ipinangalan sa kanila mula sa corporate accounts mula Disyembre 2015 hanggang Oktubre 2016.

Ilan dito ay dalawang tseke na naghahalagang P4 million at P2 million para kay Caringal at tatlong tseke para kay Suzara na nagkakahalaga ng P400,000.

“The withdrawals of the aforementioned amount are unauthorized and were not disclosed to the Board of Directors of the corporation. It was only after PSL secured the services of an external auditor that the foregoing anomaly was discovered,” ayon pa sa complaint.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?