228

Dec 16, 2020 @ 11:25
By

Ex-PNP chief Cascolan ginamit sa pangingikil

Nakorner ang isang lalaki na nagpakilalang emisaryo ng dating top police official para makapangikil nitong Martes ng gabi sa isang entrapment operation.

Ni-report ni dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan ang suspek na si Louie Musni Miranda sa National Bureau of Investigation para madakip ito matapos itong ilatad ng isang broker sa Bureau of Customs kaugnay sa ginagawang extortion ng naturang suspek.

Pinapakilala umano ni Miranda na si Cascolan ang susunod na commissioner ng Bureau of Customs at mabibigyan ang kanyang mga biktima ng tradisyonal na ‘pasalubong mula sa mga broker’.

Ilang ID rin ang pinakita ni Miranda na siya umano ay may katungkulan sa Department of Justice. (Nancy Carvajal)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?