98
Dahil sa hazing? Mga netizen nanggalaiti sa pagkamatay ng kadete ng PMA
Nov 4, 2019 @ 22:11
By

Ex-PMA superintendent, commandant kinasuhan ng pamilya ni Dormitorio

Isinama na sa reklamong inihain ng pamilya ng hazing victim na si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ang dalawang dating opisyal ng Philippine Military Academy (PMA).

Naghain ng kaso nitong Lunes si Dexter Dormitorio laban kina dating PMA superintendent Lt.Gen. Ronnie Evangelista at commandant of cadets Brig. Gen. Bartolome Vicente Bacarro.

Kapwa sila inireklamo ng paglabag sa Anti-Hazing Law, Anti-Torture Law at dereliction of duty as defined by Article 208 ng Revised Penal Code.

Ang reklamo umano ay base sa kaso na unang inihain ng National Bureau of Investigation noong Oct. 24, 2019.

Namatay ang 20-anyos na si Dormitorio noong Sept. 18 matapos bugbugin ng kanyang upperclassmen.

Dalawang beses siyang naospital dahil sa mga pasa sa kanyang tiyan na nauwi sa kamatayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?