10

Oct 2, 2020 @ 21:54
By

Ex-PhilHealth chief Morales, iba pa nireklamo sa Ombudsman

Naghain ng reklamo ang Task Force na nirekumenda ng Department of Justice, sa Ombudsman para kay dating Philippine Health Insurance Corporation President at CEO Ricardo Morales, at ilan pang opisyal dahil sa maanomalyang paglabas ng pondo sa mga ospital na inimbestigahan sa Senado.

Nagsagawa ang isang task force na pinamunuan ng DOJ ng kanilang sariling imbestigasyon tungkol sa umano’y korapsyon sa naturang state insurance agency na nasilip sa kanilang implementasyon ng interim reimbursement mechanism.

Matatandaan na nag-resign si Morales dahil sa kanyang kalusugan matapos nitong ilantad na mayroon siyang sakit na lymphoma.

Nakita naman sa imbestigasyon ng Senado na umaabot umano ang nalabas na cash advance sa mga ospital sa P14 billion.

Hindi pa naman batid kung sino-sino pa ang ibang nireklamo ng DOJ sa umano’y katiwalian sa PhilHealth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?