128

Jan 18, 2021 @ 21:24
By

Ex-PDEA official arestado sa Cebu lawyer slay

Dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI)-Central Visayas ang dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sinasabing nangasiwa sa pagpatay sa abogadong si Joey Luis Wee sa Cebu City noong November 2020.

Kinilala ang inaresto noong Enero 13, 2021 na si retired Army Colonel Edwin Layese, dating PDEA Region 6 director.

Ani NBI-7 Director Renan Oliva sa isang press conference na ipinalabas nitong Lunes, “We have documentary, electronic, and testimonial evidence to show that Edwin Layese is involved in the said killing not only as a participant but as the supervisor in the case of Atty. Wee.”

Dagdag niya, hindi si Layese ang mastermind pero isang contractor ang kinuha para siyang magplano at isagawa ang ambush kay Wee.

Nobyembre 23, 2020 nang tambangan si Wee sa labas ng kanyang office building sa Cebu City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?