12
rosario-uriarte

Ex-PCSO GM Uriarte, inabsuwelto sa plunder case

Sharing is caring!

Ipinawalang-sala na rin ng Sandiganbayan si dating Philippine Chairty Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Rosario Uriarte sa kasong plunder kaugnay ng P366 million na intel fund case kung saan naging kapwa-akusado nito si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa desisyong ipinalabas ng anti-graft court First Division, pinagbasehan ang July 2016 ruling ng Korte Suprema na nagbabasura sa plunder case.

Ayon sa korte, walang bagong ebidensiyang naiharap ang prosekusyon na magpapatibay sa alegasyon at kokontra sa desisyon ng Supreme Court (SC).

“The foregoing pronouncement was rendered by the Supreme Court after evaluation of the same sets of facts, circumstances, and evidence now under consideration. The prosecution has not adduced any new or compelling evidence to warrant a finding different from what has already been rendered by the Supreme Court. Thus, as the High Tribunal categorically cleared Uriarte of culpability from the instant charge of plunder, it behooves this Court to acquit her,” saad sa resolusyon.

Kasabay nito ay ipinali-lift na ang hold departure order laban kay Uriarte at ipinababalik ang piyansang inilagak nito.

Si Uriarte ang kahuli-hulihang co-accused ni GMA na napawalang-sala sa kaso.

Naunang inabsuwelto ng Korte Suprema sina Manuel Morato, Jose Taruc V, Raymundo Roquero, at Reynaldo Villar sa demurrer to evidence noong Abril 6, 2015.

Pinagtibay naman ng SC ang pag-absuwelto kina Arroyo at Benigno Aguas noong Abril 18, 2017, na naging final and executory noong Mayo 30, 2017. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?