137
TNT---nina-jose-and-cezar-quiambao
Apr 1, 2020 @ 17:26
By

Ex-PBB housemate sapul ng COVID-19

Sa mahigit 2,000 na kumpirmadong tinamaan ng coronavirus nitong Miyerkoles (April 1), malungkot na balita ang napabilang doon ang dating PBB Housemate na si Niña Jose at pati ang mister nito na si Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao.

Nanggaling ang kumpirmasyon sa kani-kanilang Facebook account kung saan sinabi ni Mayor Quiambao na napagdesisyunan nilang mag-asawa na magpa-check up at sumailalim sa COVID-19 testing nitong March 16.

“During our 14-day quarantine, we confirmed that we were both positive so we received proper treatment from the doctors who believe that we have now recovered,” wika ng alkalde.

Aniya, huwag sana masyadong mag-alala ang mga tao sa kanilang paligid dahil nasa maayos na kalagayan pa rin naman silang mag-asawa.
Upang siguraduhin namang ligtas sila sa COVID-19 at hindi makahawa, muli silang sasailalim sa 2 weeks self-quarantine.

“This is our way of helping to contain the spread of the virus and helping our health workers to flatten to curve,” dagdag pa niya.
Sunod na nag kumpirma din sa kanyang Facebook si Nina at sinabing “Yes, we are positive for corona virus but because God is more powerful than this, we are doing fine and we are doing great! GOD is good all the time. Mama Mary loves us [heart emoji]”

Matatandaang noong 2006, sila ang unang batch ng teen edition sa Pinoy Big Brother kung saan kabatch niya sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Matt Evans at iba pa. (Athena Yap)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?