102

Feb 21, 2020 @ 18:50
By

Ex-PBB housemate Franki nahumaling sa car racing

Matapos tumira sa ‘Bahay ni Kuya,’ bagong karera naman ngayon ang pinasok ni dating Pinoy Big Brother housemate Franki Russell.

Ito ay nang makilahok ito sa karerahan sa Batangas.

Sa ulat ng morning news show na ‘Umagang Kay Ganda’ ng ABS-CBN, inamin ng dating housemate ang na-experience nito sa car racing.

Kuwento niya, sa bilis daw ng takbo ng mga pangkarerang kotse ay muntik na siyang mahimatay.

Sa lahat daw ng na-experience niya sa buhay, bagama’t cool at napakasayang makipagkarera ay ito rin ang pinaka-nakakatakot niyang karanasan.

Sa kabila ng magkakahalong naramdaman, makikita sa kanyang Instagram story na @missfranki, na happy sa pagkakasabak sa karera si Franki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?