371

May 6, 2020 @ 10:30

Ex-PBA player nakausap na si Vico Sotto

Tinanggi ng dating PBA player na si Roger Yap ang akusasyon na siya’y nanigaw sa isang staff ng Pasig City Government habang ito’y namimigay ng relief goods.

Ayon kay Yap, nakapag-usap na sila ni Mayor Vico Sotto nang pinuntahan niya ito sa tanggapan nito. Nakapagpaliwanag na siya aniya at humingi naman ng pasensya ang alkalde sa kanya.

Handa umano ang former PBA player na makaharap ang mga nag-aakusa sa kanya para mapatunayan na mali ang mga paratang nito.

Dagdag pa ni Yap, marahil ay inakala lang na siya’y galit dahil sa Bisaya accent niya.

Ayon pa rito, malayo na gawin niyang awayin ang mga tao na namimigay ng ayuda sa kanila lalo pa’t barkada niya ang brother in law ng Pasig City Mayor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?