Ex-PBA player Boybits Victoria, kritikal sa ospital dahil sa bihirang sakit

Sharing is caring!

Umulan ng panalangin at suporta para kay dating PBA player Boybits Victoria nitong Martes matapos ma-diagnose ng bihirang sakit na autoimmune disorder na nagreresulta ng pagkalumpo o paralysis.

Ipinoste ng kapatid nitong si Bing sa Facebook ang kondisyon ni Boybits, na kasalukuyang naka-confine sa Intensive Care Unit (ICU) ng San Juan De Dios hospital.

Ani Bing, dumadanas ang kapatid niya ng Guillain-Barre Syndrome (GBS), isang bihira pero seryosong autoimmune disorder, kung saan inaatake ng immune system ang malulusog na nerve cells sa peripheral nervous system, na nagreresulta ng panghihina at pagiging manhid ng katawan.

Sa kasalukuyan ay may nakakabit umanong ventilator/respirator kay Boybits para makatulong sa paghinga nito, sabi pa ni Bing sa FB post.

“He is still in the critical stage and your prayers, combined with our prayers will help reach God’s loving mercy and healing towards Boybits,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?