54

Feb 24, 2020 @ 19:20
By

Ex-PBA import papalitan si Deguara sa Alab

Bukod sa inaasahang pagdating ni Ginebra-import Justin Brownlee para sa San Miguel Alab Pilipinas ay naghahanap na naman ng isa pang pamalit bala ang koponan nang lumabas ang balitang ipapasok nila si PBA import John Fields.

Sinasabing palalayasin naman g Alab ang 7-foot-5 Maltese na si Sam Deguara.

Magugunitang naglaro na rin sa ligang ASEAN Basketball League o ABL si Fields para sa koponang Singapore Slingers at nagkamada ito ng average na 21.6 points, 12.4 rebounds, 1.6 assists, 1.6 blocks, 1.2 steals noong nakaraang taon.

Ang matatanggal naman na si Deguara ay naglista ng 14.5 points, 10.1 rebounds at 1.0 block sa loob ng 14 games para sa Pinas-ball club na mimamandohan ng former TNT KaTropa at Meralco guard na si Jimmy Alapag.

Kasalukuyan namang hawak ng Alab ang record na 10-6 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?