131

By

Ex-PBA import Anthony Grundy pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang dating naging import ng San Miguel Beermen na si Anthony Grundy sa edad na 40.

Si Grundy ay naglaro para sa Petron franchise (na ngayon ay San Miguel), noong 2011 sa PBA Governor’s Cup.

Sa kanyang paglalaro sa Petron, kanyang napatungtong sa Finals at nagwagi pa ng kampeonato matapos burahin ang Talk ‘N Text sa pitong laro at mapigilan ang Grand Slam ng KaTropa.

Naglaro rin si Grundy sa Greece, at noong 2006 ay nakasalang din para sa NBA team na Atlanta Hawks.

Isa sa mga nagbalita ng malungkot na balita ay ang dati nitong teammate at ngayo’y Indiana University head coach Archie Miller.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?