183

Oct 21, 2021 @ 16:37
By

Ex-Pacquiao aide tinira si Annabelle Rama: Sinungaling, dapat mahiya

Inakusahan ni Frontliners party-list nominee Jayke Joson ang talent manager na si Annabelle Rama ng pagsisinungaling kaugnay ng mga post nito sa Twitter.

Sinabi ni Joson na hindi totoo ang sinabi ni Rama na ninakawan niya at ng negosyanteng si Arnold Vegafria ng P140 milyon si Senator Manny Pacquiao.

“She (Annabelle Rama-Gutierrez) should be ashamed of herself for telling those lies,” sabi ni Joson na pinag-iisipan ang pagsasampa ng kasong cyber libel kay Rama.

Ayon kay Joson hindi na nakakagulat ang ginawang pag-akusa ni Rama sa kanya ng walang basehan.

“Look who’s talking? In the first place, I don’t have any past issues and estafa cases from anyone just like Anabelle. All those were just absolute lies to malign my personality,” sabi ni Joson.

Dagdag pa ni Joson: “So it’s just like same feathers that flock together, they are both same swindler.”

Ang pera umanong tinanggap ni Joson at Vegafria kay Pacquiao ay ang kanilang komisyon sa pagdadala ng mga sponsor. Hindi umano kaagad ibinibigay ni Pacquiao ang kanilang 20% komisyon kahit na nabayaran na ito.

“That was a hard earned money. In fact, the senator owns Arnold Vegafria a lot of money from these commissions until now. So Ms. Rama and other liars will be held liable,” sabi pa ng nominee ng Frontliner.

Pinasinungalingan din ni Joson na si Pacquiao ang nagbayad ng kanyang mga utang at bahay.

“That was my commission…. I was paid just a year after when I encountered a problem to pay the dues and house amortization. Then, they will tell me that it was his personal help? It’s all pure lies. I worked for that money which I didn’t receive immediately,” paliwanag ni Joson.

Sinabi ni Joson na mayroon pang iba na inirereklamo ang pagkabigo ni Pacquiao na kilalanin ang kanilang kontrata.

Si Joson ay tinaguriang pambansang anino dahil parati itong nasa likod ni Pacquiao noon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?