sandiganbayan
By

Ex-officials ng Arroyo admin, kinasuhan sa Malampaya fund scam

Sharing is caring!

Kinasuhan na sa Sandiganbayan ang mga dating opisyal ng Arroyo administration kaugnay ng Malampaya Fund scam.

Pero sa halip na plunder ay ibinaba ng Ombudsman sa kasong graft at malversation of public funds through falsification of public documents ang isinampa kina dating Budget secretary at ngayon ay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., dating DBM Usec. Mario Relampagos, dating Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman, at mga dating opisyal ng DAR na sina Narciso Nieto, Teresita Panlilio, Angelita Cacananta, at Ronald Venancio.

Kasama rin sa asunto ang inaakusahang pork barrel fund scam queen na si Janet Lim Napoles, at mga anak nitong sina Jo Christine, James Christopher, at iba pang private respondents.

Hindi naman kasama sa kinasuhan si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa Ombudsman nagsabwatan ang mga akusado noong 2009-2010 sa pagpapalabas at paggamit ng P900 milyong pondo mula sa Malampaya para sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Ondoy.

Ang naturang pondo ay napunta umano sa non government organization ni Napoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?