256

Jul 16, 2021 @ 11:24

Ex-official ni PNoy dinawit sa pagpapakalat ng balitang Chinese ebak

Nilantad ni columnist Bobi Tiglao na parte umano ang isang dating opisyal ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagpapakalat ng balitang nagtatapon ng dumi ang mga Chinese vessel sa West Philippine Sea.

Ayon sa Manila Times column ni Tiglao nitong July 16, tinapik daw ang Simularity Corp. ng US State Department para bumuo ng ‘South China Sea Rapid Alert Forum’, na gagamitin para umano sa propaganda laban sa China gamit ang mga satellite image.

Bintang ni Tiglao ay si Peter John Abaya ang direktor ng Simularity Corp, na kinumpirma raw mismo ng vice president ng kompanya na si Peter Konig.

Si Abaya ay matagal nang nagsilbi sa gobyerno, huli itong humawak ng posisyon noong 2010 matapos ma-appoint ni yumaong Noynoy Aquino bilang general manager ng Philippine Reclamation Authority.

Isa pang alegasyon ni Tiglao ay ang pagmamay-ari umanong ‘Shatter Tech Venture Holdings’ ng pamilya Abaya ang nagpondo ng $1M sa Simularity.

Matatandaan na pinalagan ng Department of National Defense (DND) ang kumakalat na larawan tungkol sa pagtatapon ng dumi ng Chinese ship sa Spratlys Island.

Napag-alaman na ang picture ay kuha pa noong 2014 sa Australian Great Barrier Reef, ngunit nangako si Lorenzana na kanilang iimbestigahan ang report ng Simularity.

Pinanindigan naman ni Simularity CEO Liz Derr ang kanilang report, at sinabing hindi nila sinabing na ang nasa larawan ay ang mismong Chinese ship na nagtatapon ng dumi sa Spratlys Island.

“At this point I regret putting that image in there because it made it easy for some government officials to say, ‘Oh fake news,’ when our analysis was not based on that image at all. It’s totally based on satellite imagery and the analysis we did there,” lahad ni Derr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?