244

Feb 19, 2020 @ 15:56
By

Ex-officer ng BuCor, binaril malapit sa Bilibid

Inutas ang isang dating legal officer ng Bureau of Corrections (BuCor) ilang metro lang ang layo sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City nitong Miyerkoles ng hapon.

Naghihintay ng sundo si Atty. Frederick Anthony Santos sa labas ng eskuwelahan malapit sa gate ng Bilibid nang bigla itong paputukan ng hindi kilalang gun man.

Ayon sa Southern Police District, dapat ay susunduin ni Santos ang kanyang anak sa Southernside Montessori School, nang barilin ng dalawang suspek.

Nakatakas agad ang dalawang gunman, at nang respondehan ng Muntinlupa Rescue Team ay hindi na naabutang buhay si Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?