35

May 2, 2021 @ 19:45
By

Ex-NUJP national director, todas sa ambush

Patay sa pamamaril ang municipal administrator ng Pilar, Capiz nitong Linggo sa Barangay Lawa-an, Roxas City.

Ang biktima ay si John Heredia, na ayon sa social media post ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), ay pasakay sa kanyang sasakyan nang paputukan ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Ayon sa asawa ng biktima na si Atty. Cris Heredia, idineklarang dead-on-arrival ang biktima nang dalhin ito sa Capiz Doctor’s Hospital.

Dagdag pa ng asawa ng biktima, maghihintay sila sa resulta ng imbestigasyon ng mga pulis.

Ang biktima ay dating national director ng NUJP.

Bukod pa rito, si Heredia ay nagsilbi rin bilang unang chairman ng Capiz chapter ng NUJP, kung saan siya rin ang pinakamatagal na nanungkulan bilang chairman ng nasabing organisasyon. (Mark Joven Delantar)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?