531

Oct 11, 2021 @ 20:17
By

Ex-NPA member naging bayani, tinuro taguan ng bomba

Matapos sumuko sa pamahalaan, nagsilbing daan ang isang dating NPA member para maituro sa militar ang taguan ng mahigit 1,000 pampasabog ng rebeldeng grupo sa Barangay Kalasungay, Malaybalay City, Bukidnon noong Oktubre 8.

Batay sa ulat ng militar, itinuro ng dating NPA squad leader na si Ronald Landasan alyas ‘Gamay’ o ‘Gaspar’ ang kinaroroonan ng 1,076 piraso ng dinamita at anti-personnel mine.

Sinabi umano ni Landasan na itinuro niya ang taguan ng mga pampasabog dahil ayaw niyang magamit ang mga ito laban sa pwersa ng pamahalaan.

“They were intended to be used by the [NPA] to wound and kill soldiers operating in the mountains of Bukidnon,” pahayag ni 8th Infantry Battalion commander Lt. Col. Edgardo Talaroc Jr.

“We will also investigate and find out the source of these dynamites and file charges against them,” dugtong pa niya.

Dinala ang mga pampasabog sa Bukidnon Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?