20

Sep 11, 2020 @ 23:44
By

Ex-North Cotabato Rep. Ipong guilty sa P9.6M pork

Hinatulang guilty ang dating kongresista mula North Cotabato sa graft dahil sa umano’y paglustay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ito’y base sa desisyon ng Sandiganbayan sa paglabag ni former Representative Gregorio Impong, kasama sina dating opisyal ng Technology and Livelihood Resource Center na sina Dennis Cunanan at Marivic Jover sa Anti-graft And Corrupt Practices Act at Article 217 ng Revised Penal Code.

Ayon sa desisyon, ang tatlo ay magkakakuntsaba sa paggamit ng P9.6M na pork barrel fund para sa mga proyekto na hindi pala ginawa.

Nasilip na ang mga pondo ni Ipong ay napunta sa isang non-government organization na Aaron Foundation, Inc.

Sesentasyahan sina Impong ng 28 taon sa kulungan at pinapabalik din ang ₱9.6 million.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?